Ang Guzman ay isang bayang matatagpuan sa rehiyon ng Burgos sa Espanya. Sa lugar na ito nabuo ang apelyidong de Guzman na ang ibig sabihin ay "of Guzman" o "ng Guzman."
Dahil nga sa pananakop ng mga kastila sa ating bansa, ang mga pangalang katutubong gaya ng Maniwangtiwang ay napilan ng Hispanic gaya ng Juana. Dahil nga sa pananakop na iyon, ang mga apelyido ay kasama sa mga napalitan. Ang iba naman, kaya napalitan ang kani-kanilang mga apelyido ay dahil nag-asawa sila ng Kastila. Kung mayroong mga taong Pilipinong-Pilipino kagaya ni Manny Pacquiao at Aling Dionisia, meron ding mga nahaluan ng iba't ibang banyagang katangian. Isa sa mga nahaluan na iyon ay ang aming angkan.
Ang aking lolo na si Ernesto de Guzman Sr. ay mestisong-mestiso. Siya ay mistulang kastila ngunit siya ay Pilipino. Ang aking lola naman ay si Belen Angeles. Sila ay biniyayaan ng anim na anak. Ang kanilang pamilya ay tumira noon sa Binondo, Maynila. Nang magtapos ng pag-aaral ang lahat ng kanilang mga anak, sila ay lumipat na sa Lungsod ng Quezon.
Ang aking ama na si Enrico de Guzman ay pang-apat sa magkakapatid. Napangasawa niya si Edita Gonong na ipinanganak sa Nueva Ecija. Sila ay parehong Chemical Engineer na nagtapos ng pag-aaral sa UST.
Friday, December 4, 2009
Subscribe to:
Comments (Atom)